DUMEPENSA | Itogon, Benguet Mayor Palangdan, itinangging kinokunsinte ang small scale mining

Itinanggi ni Itogon, Benguet Mayor Victorio Palangdan na kinokonsinti niya ang small scale mining sa kaniyang lugar.

Ito ay kahit sa halos kalahating porsyento ng mga residente sa lugar ay pagmimina ang ikinabubuhay.

Ayon kay Palangdan, ginawa niya ang lahat para mapa-alis sa lugar ang mga minero pero nagmatigas ang mga ito.


Kinontra rin ni Palangdan ang pahayag ng Benguet Corporation na walang permiso ng kumpanya ang small scale mining.

Facebook Comments