Manila, Philippinrd – Dumepensa si Supreme Court Associate Justice Martires sa pagsilip ni gender equality advocate Rizza Laurea sa kanyang stall business sa Baguio City.
Kasunod ito ng pagsumite kanina ni Laurea ng liham sa Judicial and Bar Council na humihirit na silipin ng JBC ang kanyang SALN dahil sa sinasabing hindi nito pagdedeklara ng stall business sa Baguio City.
Inihayag ni Justice Martires na walang kwestyon sa kanyang SALN dahil hindi naman niya ito maaring ideklara bilang property dahil hindi naman sa kanya ang naturang lupain bagamat kasama anya ito sa kanyang mga idineklarang investment.
Si Justice Marquez ay sinasabing kabilang sa mga malakas na contender bilang susunod na Ombudsman.
Facebook Comments