DUMEPENSA | Kris Aquino, sinagot ang mga negative comments ng veteran showbiz columnist na si Lolit Solis

Manila, Philippines – Straight to the point na sinagot ngayon ng TV host/ actress na si Kris Aquino ang mga negative comment ng showbiz writer na si Lolit Solis.

Ito ay matapos na sabihin ni Manay Lolit na mahilig daw gumawa ng eksena si Kris para muling pag-usapan at makakuha ng atensiyon sa mga media lalo na ang pagpunta sa birthday party ni Mayor Herbert Bautista.

Iginiit pa ng veteran entertainment columnist na si Lolit na mukhang abonado pa daw si Tetay kung ikukumpirma ang talent fee niya sa ginawang Hollywood movie dahil sinagot niya ang gastos sa buong glam team habang nasa Singapore lalo pa at hindi man lang daw siya nakita sa trailer ng pelikula.


Pero say ni Kris, personal daw siyang pumunta sa party ni Bistek dahil malapit lamang daw ito kung saan siya nagshu-shooting ng pelikula.

Dagdag pa ni Kris, sapat din daw ang kanyang talent fee para mabayaran ang glam team na sinama niya at hindi din daw siya nambobola nang sabihin na special ang kaniyang 5-minutes screen time sa ginawa niyang Hollywood film na ipapalabas sa Agosto.

Facebook Comments