DUMEPENSA | LTFRB, igiinit na inaaksyunan nila ang kakulangan ng supply ng TNVS

Sinagot ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang akusasyon ng Grab Philippines na kasalanan ng gobyerno ang krisis sa supply ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa Pilipinas.

Base sa ipinadalang e-mail ng Grab sa kanilang mga partner drivers, nakasaad na hindi pinapayagan ng LTFRB na makapag-apply ang mga TNVS na wala sa masterlist na isinumite ng mga Transport Network Company (TNC) na siya namang nagiging dahilan ng mga kakulangan ng mga sasakyan.

Hindi umano inaksyunan ng ahensya ang kanilang proposal na taasan ang pinapayagang bilang ng mga TNVS sa kalsada.


Pero ayon sa LTFRB, ginagawa nila ang kanilang makakaya upang maabot ang target na 65,000 na TNVS na may kumpletong franchise.

Tinatanggap din ng ahensya ang application ng mga TNVS driver na wala sa master list.

Sa katunayan, may 10,000 sasakyan ang naidagdag sa masterlist.

Dahil sa ginawa ng Grab, ginugulo lamang nito ang riding public.

Humingi naman ng paumanhin ang Grab sa LTFRB.

Facebook Comments