Rodriguez, Rizal – Nagpaliwanag ngayon ang Manila Water kaugnay ng naranasang water interruption sa Rodriguez, Rizal.
Kasunod na rin ito ng reklamo ng mga residente na hindi man lang sila inabisuhan para sana nakapag-ipon sila ng tubig.
Sa interview ng RMN DZXL 558, sinabi ni Manila Water-Corporate Communications Head Jerich Sevilla na lumabo o pumangit ang quality ng tubig sa La Mesa Dam bunsod na rin ng malalakas na pag-ulan nitong weekend.
Dahil dito, kinailangan raw nilang magbawas ng produksyon na nagresulta naman ng water interruption sa ilang bahagi ng Rodriguez at San Mateo, Rizal.
Samantala, habang inaayos, 17 water tankers ang ipinapadala nila para magsuplay ng tubig lalo na sa matataas na bahagi ng Rodriguez na nawalan ng tubig.
Facebook Comments