DUMEPENSA | Markki Stroem, mariin itinanggi na may namamagitan sa kanila ni Marvin Agustin

Sa ikalawang pagkakataon, muling itinanggi ng actor na si Markki Stroem na may namamagitan sa kanila ni Marvin Agustin.

Ayon kay Markki, higit pa sa pagiging magkaibigan ang kanilang turingan ni Marvin kaya at lagi silang magkasama at nagtutulungan sa kani-kanilang negosyo.

Nabatid usap-usapan sa loob at labas ng showbiz ang diuman ay pagkakaroon ng espesyal na relasyon nina Marvin at Markki.


Nadagdagan pa ito ng makita sila na magkasamang nagbakasyon sa loob at labas ng bansa, gaya sa Batangas at Japan.

Nauna nang itinanggi ni Marvin na may relasyon sila ni Markki kung saan kasama naman daw nila ang mga kaibigan sa tuwing lumalabas o nagbabakasyon.

Facebook Comments