DUMEPENSA | Nat’l Museum, itinangging may kinalaman sa panukalang i-display ang isa sa 3 Balangiga bells sa kanilang museo

Manila, Philippines – Itinanggi ng pamunuan ng National Museum na may direktang kinalaman sila sa panukalang pagpapalagay ng isa sa tatlong kampana ng Balangiga sa museo.

Ayon kay National Museum Director Jeremy Barns – wala silang kinalaman sa resolusyong inihain ni Senador Juan Miguel Zubiri.

Pero naniniwala si Barns na katanggap-tanggap at may katwiran ang panukala ni Zubiri.


Tiniyak naman ni Barns sa publiko ang kanilang tungkulin ng museo na protektahan ang Philippine artifacts.

Facebook Comments