DUMEPENSA | NDRMMC, iginiit na ‘on-time’ ang kanilang rainfall alert messages

Manila, Philippines – Dumepensa ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hinggil sa delayed ng rainfall alert messages.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Dr. Edgar Posadas, lima hanggang 10 minuto lang ang koordinasyon nila ng PAGASA pero ang delay ay nasa pagpapadala ng alerto.

Gayuman, aminado naman si Posadas na marami pang dapat maisaayos sa sistema.


Paliwanag naman ng ilang eksperto, karamihan sa smart phones at ilang android phones ay naka-default o nakabukas na ang emergency alert.

Target naman ng NDRRMC na maging mandato ang alerto pati sa TV at radyo para mas maraming Pilipino ang makapaghanda sa paparating na sakuna.

Facebook Comments