Itinanggi ng National Food Authority (NFA) na nagbebenta sila ng mga binukbok na bigas.
Paglilinaw ni NFA Administrator Jason Aquino, hindi pa pagmamay-ari ng NFA ang mga binukbok na bigas.
Katunayan, opisyal pa ng ahensya ang nakakita sa mga naturang bigas nang ito ay i-deliver sa Legazpi City warehouse.
Tiniyak ng NFA na sinusunod nito ang international standards kaugnay sa maayos na warehouse keeping.
Facebook Comments