DUMEPENSA | PAO, pumalag matapos isisi sa kanila ang pagtaas ng kaso ng tigdas

Manila, Philippines – Huwag isisi sa Public Attorney’s Office (PAO) ang pagtaas ng bilang ng kaso ng mga nagkakaroon ng measeles o tidgas sa bansa.

Ito ang pagpalag ni PAO Chief, Atty. Persida Acosta sa pahayag ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.

Sinabi ni Duque kasi na nagkaroon ng measles outbreak dahil sa pagtanggi ng mga pamilya na magpabakuna dahil sa mga namatay sa anti-dengue vaccine na Dengvaxia.


Ayon kay Acosta – diversionary tactics lamang ang ginagawa ng DOH.

Matatandaang sinamahan ng PAO ang mga pamilya na maghain ng criminal complaints sa Department of Justice (DOJ) kasunod ng pagkamatay ng ilang nilang kaanak matapos maturukan ng Dengvaxia.

Bukod kay Duque, kasama rin sa inireklamo sina dating Health Secretary Janette Garin at ang manufacturer ng bakuna na Sanofi Pasteur.

Facebook Comments