DUMEPENSA | Paolo Ballesteros, pinatulan ang isang netizen na gumagawa ng isyu kina Maine Mendoza at Alden Richards

Manila, Philippines – Hindi na nakapagpigil pa ang TV host / actor na si Paolo Ballesteros na sagutin ang mga paratang ng isang netizen hinggil sa tunay na karelasyon nina Maine Mendoza at Alden Richards.

Nabatid kasi na isang netizen ang nagkomentong alam niyang si Maine ay karelasyon ni Juancho Trivino habang nali-link daw si Alden kay Julie Anne San Jose.

Dagdag pa ng netizen na wala daw forever ang tandem nina Maine at Alden kaya at tigilan na daw ang pag-panggap ng mga ito.


Say naman ni Paolo, sobrang dami daw alam ng basher na ito kung saan tila insecure at naiingit lang dahil sa pagiging sikat ng kaniyang mga kasama sa noontime show.

Bunsod nito, maraming supporters nina Maine at Alden ang binatikos ang netizen dahil sa paggawa ng isyu.

Marami din ang nagpasalamat kay Paolo sa pagka-kastigo nito sa netizen.

Facebook Comments