Manila, Philippines – Pinuntirya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga kritiko ng panukalang mandatory drug test para sa mga guro at estudyante mula grade 4 pataas.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, premature para sa mga kritiko na punahin ang kanyang panukala na layuning protektahan ang mga bata mula sa ilegal na droga.
Paliwanag ni Aquino, ang mga estudyante at tauhan mula sa mga public at private schools at dapat sumailalim sa surprise drug testing kada school year bilang bahagi ng kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.
Ang PDEA ay nakapagsagip ng 770 batang may edad 10 hanggang 17 mula nang manungkulan si Pangulong Duterte noong Hulyo 2016.
Mula sa higit 700, higit 500 rito ay tulak habang halos 200 ang gumagamit ng droga.
Nakatanggap din ng ulat ang PDEA na ilang estudyanteng nag-enroll sa eskwelahan ay posibleng nagbebenta ng droga sa mga kapwa estudyante.