DUMEPENSA | PNP iginiit na hindi kalakaran sa PNP ang “palit-puri”

Manila, Philippines – Hindi kailanman naging kalakaran sa Philippine National Police (PNP) ang panghahalay kapalit ng pagpapawalang sala sa mga naarestong suspek.

Ito ang iginiit ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde kasunod ng mga komentong matagal na itong nangyayari sa PNP.

Kamakalawa, naaresto ang dalawang pulis sa Quezon City matapos ireklamo ng isang babae ng panggagahasa bilang kapalit ng kaniyang kalayaan makaraang mahuli ito dahil sa kaso ng illegal gambling.


Kinilala ang mga inirereklamong pulis na sina Police Officer 1 Severiano Montalban III at PO1 Jayson Portuguez, mga nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) Station 4.

Ayon kay Albayalde, ang totoong kalarakan sa PNP ay ang counter charge sa mga pulis na aniya ay tuwing may naaresto ay marami sa kanila ang nadi-dismiss o nakakasuhan.

Naniniwala si Albayalde na maraming pulis ang nakakaranas ng malicious countercharges dahil sa pangha-harass.

Pero tiniyak naman ni Albayalde na sa kabila nito nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa reklamo ng babae.

Sa ngayon aniya hindi pa nakakapagpyansa ang dalawang inireklamong pulis na nahaharap na sa kasong kriminal at administratibo na maari nilang ikatanggal sa serbisyo.

Facebook Comments