DUMEPENSA | PNP sa Davao del Norte, hinarang ang pagpapalaya sa grupo nina Ocampo

Manila, Philippines – Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) na hinarang ang pagpapalaya sa grupo nina Satur Ocampo at 17 kasamahan nito kahit nakapagpiyansa ang mga ito.

Ayon kay Davao del Norte Police Provincial Director, Senior Superintendent Ferlou Silvio, may tatlong kaso silang isinampa laban sa grupo nina Ocampo kaya nagdulot ng argumento ukol sa inilabas na desisyon ng Tagum City Regional Trial Court (RTC).

Base aniya sa appraisal ng kanilang abogado, isang kaso lamang ang maaring makapag-bail ang grupo ni Ocampo, kaya mayroon pang dalawang kasong kahaharapin ang mga ito.


Dahil dito, naglabas ng supplemental order ang korte kung saan nilahat nito ang tatlong kaso at nagtakda ng piyansa sa bawat isa kaya nakalaya din ang grupo ng dating mambabatas.

Itinanggi rin ng Davao del Norte PNP na may bumubuntot pa ring pulis kina Ocampo kahit nakalaya na ang mga ito.

Facebook Comments