DUMEPENSA | PNP, walang nakikitang mali sa anti-rape advisory ng Angono police

Manila, Philippines – Wala namang nakikitang mali si PNP Chief Oscar Albayalde sa inilabas na anti-rape advisory ng Angono, Rizal PNP.

Sa datos ng PNP, umabot sa higit 7,000 ang rape cases na naitala nitong 2017.

Ayon kay Albayalde, pinag-iingat lamang nila ang publiko at pinabibihis na naayon sa lugar at okasyon.


Para kay Gabriela Party-List Representative Arlene Brosas, maituturing itong ‘victing-blaming’ at nagbibigay ng maling impormasyon kung paano mawawakasan ang rape at sexual harassment.

Tinanggal na ng Angono Police Station ang facebook post at humingi na ng paumanhin.

Base sa advisory, nagbigay ito ng tips para maka-iwas ng rape:
1. Hindi dapat nakikipagkita sa mga nakilala lang sa text o social media
2. Hindi dapat magsuot ng maiiksing damit
3. Huwag dapat maglakad mag-isa lalo na sa mga madidilim na lugar
4. Kung makikipag-date ay huwang uminom ng alak
5. Huwag iwanan ang kanilang inumin kapag magde-date lalo at posibleng lagyan ito ng drogang nakakawala ng kamalayan.
6. Mag-aral ng self-defense
7. Magdala ng pepper spray o tear gas.
8. Huwag mataranta at maghanap ng paraan para makatakas sa manghahalay
9. Humingi ng tulong
10. Magtungo sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya

Facebook Comments