DUMEPENSA | Road Board, iginiit na ang DBM ang naglalabas ng pondo

Manila, Philippines – Naglabas na ng pahayag ang Road Board na pinabubuwag dahil sa talamak umanong katiwalain.

Ayon sa Road Board, kapag nakakatanggap sila ng request para pondohan ang isang proyekto ay pinadadala ito sa DPWH at DOTr para masiyasat.

Anila, hindi ang Road Board kundi ang Department of Budget Management (DBM) ang nagpapalabas ng pondo sa implementing agency sa DPWH at DOTr na nagsasagawa naman ng procurement.


Hindi rin anila sila ang nagmumungkahi o nagpapatupad ng mga proyekto.

Facebook Comments