DUMEPENSA | Sec. Diokno, itinangging may kinalaman siya sa billion peso contract sa isang kumpanya sa ilalim ng 2019 budget

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na may kinalaman siya sa paggawad ng bilyon-bilyong pisong kontrata sa isang kumpaniya na pinondohan sa ilalim ng proposed 2019 national budget.

Ayon kay Diokno, wala siyang kinalaman sa paggagawad ng higit 30 mga proyekto sa ilalim ng DPWH sa C.T. Leoncio Construction and Trading.

Aniya, hindi rin niya nakakausap ang anak ng may-ari ng nasabing kumpaniya dahil bawal umanong pag-usapan sa kanilang pamilya.


Sabi pa ng kalihim, wala rin siyang kinalaman sa pagpapalabas sa alokayson ng mga proyekto dahil naglalabas lang siya ng pondo at nasa kamay na ng mga gobyerno ang implementasyon.

Facebook Comments