DUMEPENSA | Sec. Guevarra, itinangging gumamit siya ng convicted na state witness laban kay De Lima

Manila, Philippines – Pinabulaanan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang akusasyon ni Senador Leila De Lima na nilabag ng kalihim ang batas kaugnay ng paggamit nito ng mga convicted na state witness laban sa kanya.

Bagaman at aminado si Guevarra na hindi pa niya nababasa ang buong reklamo ni De Lima, giit nito na wala siyang ginamit na kahit isang convicted person para maging testigo ng estado laban sa senadora.

Partikular ang rule 119 ng rules of court.


Nakasaad sa Paragraph E, Section 17 ng Rule 119 na hindi maaring maging state witness ang co-accused sa isang kaso kapag sya ay convicted sa krimen na may kaugnayan sa moral turpitude.

Ayon sa Korte Suprema ang mga krimen na may moral turpitude ay robbery, murder, homicide, extortion at mga paglabag sa Dangerous Drugs Act.

Sa 22 pahinang complaint ni Senador De Lima, inakusahan nito si Guevarra at si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre ng paglabag sa batas dahil sa paggamit daw ng DOJ ng labing-tatlong testigo laban sa kanya

Kinasuhan din ni De Lima sa Ombudsman sina Guevarra at Aguirre ng paglabag daw sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa pagpapabaya sa kanilang tungkulin sa pag-uusig o prosecution.

Facebook Comments