Manila, Philippines – Nilinaw ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol ang kanyang pahayag tungkol sa pagsasalegal ng rice smuggling.
Sa datos ng DA, sa 220,000 metrikong toneladang bigas na kailangan ng Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi ay 10% lamang ang kayang isuplay ng mga lokal na magsasaka.
Ito ang dahilan kung bakit tinatangkilik ng mga taga – Zambasulta ang smuggled rice na nagkakahalaga lamang ng ₱27 kada kilo.
Ayon kay Piñol, nais lamang niyang ipunto ay ipahawak sa panlalawigang gobyerno ng Tawi-Tawi ang pagkontrol ng rice smuggling.
Kaugnay aniya ito ng panukala ng DA na magtatag ng rice trading center.
Iginiit ng kalihim, ang mga supply ng bigas na ipinapasok sa backdoor ay dapat na pinapatawan ng kaukulang taripa at isailalim sa quarantine.
Sa kabila ng mga panawagan, nanindigan si Piñol na hindi siya magbibitiw sa pwesto.
Naglaan na ang pamahalaan ng ₱100 million para maibalik ang sigla ng pagsasaka.