DUMEPENSA | Sen. Gatchalian, idinipensa ang panukalang parusahan ang mga nuisance candidate

Manila, Philippines – Dinepensahan ni Senator Sherwin Gatchalian ang inihain niyang panukalang parusahan ang mga nuisance candidate.

Ito ay kasunod ng pagkontra ni Commission on Election Commissioner Rowena Guanzon sa Senate Bill 911 kung saan pinipigilan aniya nito ang kalayaan ng isang tao na nagnanais na magkaroon ng posisyon sa gobyerno.

Giit ni Gatchalian, na siyang chairman ng senate committees on economics, nirerespeto niya ang pahayag ni Guanzon at mahalagang mapakinggan sa komite ang kaniyang opinyon.


Gayunman, ang gusto lang aniya niya ay huwag mababoy ang election process sa bansa.

Sabi pa ni Gatchalian, sinasayang lang ng mga nuisance candidate ang panahon at oras ng Comelec na pwede pang magamit sa iba pang mas importanteng bagay.

Facebook Comments