DUMEPENSA | Tangkang pagpapatalsik kay Trump, itinanggi

Itinanggi ng US justice department ang tangkang pagpapatalsik kay U.S. President Donald Trump.

Ayon kay US Deputy Attorney General Rod Rosenstein, walang katotohanan ang usapin sa pagpapatalsik kay Trump dahil sa problema sa mental fitness nito ilang buwan bago maupo ang Pangulo.

Hindi naman nito itinanggi ang pahayag habang kausap ang ilang cabinet members at nilinaw na nagbibiro lamang ang mga ito.


Iginiit nito na pawang imbento lamang ang lumabas na balita.

Facebook Comments