DUMEPENSA | UST, kinuwestyon ang pag-uugnay sa kanila ng AFP sa ouster plot

Manila, Philippines – Blangko ang unibersidad ng Sto. Tomas kung bakit inuugnay sila ng militar sa Red October plot laban Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay UST Simbahayan Community Development Office Director Mark Anthony Abenir, malaking alegasyon ang tinutukoy ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Aniya, naninindigan ang UST sa karapatang pantao at tinututulan nila ang pagbabalik ng diktaturya.


Sabi pa ni Abenir, naniniwala sila sa demokrasya, rule of law at good governance.

Kaya hindi nila maunawaan kung bakit kailanang akusahan ang UST dahil lang sa kanilang prinsipyo.

Facebook Comments