“Dummy” owners na mga Pinoy sa recruitment agencies, pinapaimbestigahan ng Senado sa DMW

Pinapaimbestigahan ni Senator Jinggoy Estrada sa Department of Migrant Workers (DMW) ang mga Pinoy “dummy” owner o mga Pilipinong kunwaring may-ari ng recruitment agencies.

Sa ginanap na pagdinig sa Senado nitong Miyerkules sa kaso ni Jullebee Ranara, ang babaeng Overseas Filipino Worker (OFW) na brutal na pinatay sa Kuwait, ibinulgar ni Estrada ang impormasyong nakalap ng kanyang tanggapan tungkol sa umano’y mga dayuhang nagmamay-ari ng mga placement agency.

Ayon kay Estrada, “common knowledge” na sa industriya na ang ilang Pilipino ay pumapayag na maging “dummy” incorporators ng ilang recruitment o placement agencies na nagpapadala ng OFWs sa ibang bansa.


Tinukoy ng senador na ipinagbabawal ito sa pabibigay lisensya at regulasyon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at ng Labor Code of the Philippines.

Nababahala si Estrada dahil ilan sa mga sinasabing foreign-owned recruitment agencies ay may pananagutan sa deployment ng distressed OFWs katulad sa kaso ni Ranara.

Facebook Comments