Dumobleng bilang ng mga Pilipinong nagugutom, resulta ng pagpapahinto ng trabaho dahil sa lockdown ayon sa Malacañang

Resulta ng nahintong pagtatrabaho bunsod ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang pagdami ng bilang ng pamilyang nagugutom nitong nagdaang buwan.

Ito ang reaksyon ng Palasyo sa survey na inilabas ng Social Weather Stations na nagsasabing dumoble ang bilang ng mga pamilyang Pilipinong nagugutom.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dahil sa COVID-19 pandemic, sarado ang ekonomiya ng bansa kaya marami ang nahihirapan.


Aniya, gumagawa na ng hakbang ang pamahalaan para unti-unting mabuksan ang ekonomiya.

Pinatitiyak din aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabilis na maipapamahagi ang ikalawang tranche ng cash aid sa mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP).

Facebook Comments