Tuesday, February 3, 2026

Dump truck, inararo ang ilang concrete barriers at bumangga sa isang poste ng kuryente sa Commonwealth Avenue, Quezon City; driver at pahinante nito, sugatan

Mag-aala-una ng madaling araw ng masangkot ang isang dump truck sa aksidente sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Nawasak ang harapang bahagi ng naturang truck habang natanggal din ang windshield nito.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nakausap nila ang driver at sinabi nitong galing silang Pampanga at mag-pipickup sana ng grava nang makaidlip siya umano habang nagmamaneho.

Dahil dito, dumiretso sa pagitan ng pader ng MRT-7 at sa isang heavy equipment ang truck matapos nitong maararo ang mga barrier at poste ng Meralco.

Nagtamo ng sugat sa ulo at binti ang pahinante matapos na tumilapon mula sa windshield habang sugat sa braso naman ang nakuha ng driver sa aksidente na kasalukuyang nasa ospital.

Ayon sa Meralco na umabot sa humigit-kumulang dalawang metro ang inilayo mula nito sa baseline matapos masapul ng truck.

Dahil dito, sinisikap ng mga linemen mula sa Meralco na hindi mawalan ng kuryente ang mga kalapit residente at establisyemento sa lugar na kasalukuyang sinusuportahan ng crane.

Facebook Comments