Nakatakdang taniman mga puno ng buko, narra at iba pang seedling ang dating tapunan ng basura sa ng dumpsite ng Bonuan, Dagupan City.
Ayon sa ibinahagi sa social media post ni Mayor Belen Fernandez, para ito sa nalalapit na “Dumpsite to Funsite Project” kung saan tinalakay kasama ang opisyal City Engineering Office at Waste Management Division.
Kasama ang Department of Environment and Natural Resources, ngayong buwan ng Setyembre, tatamnan ng nasa 1,500 na puno ng buko, narra at iba pang seedlings ang dumpsite sa tulong ng 1,200 na Girl Scouts.
Inaasahan na magiging mas luntian, malinis at kapaki-pakinabang sa mga Dagupeño ang animnapung taong gulang na dumpsite. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









