Dumpsite sa Dagupan City, ipapasara ng tuluyan

Kinumpirma ni Mayor Marc Brian Lim sa isinagawang first solid waste management forum ang tuluyang pagpapasara ng dumpsite na matatagpuan sa Bonuan-Binloc, Dagupan City.

Ayon kay Lim na ang planong ito ay sigurado na dahil na din sa nakita nya ang napakaraming problema nito, mga paglabag sa environmental compliance at sa hindi pa umano maayos ang pagtatapon ng mga basura mula sa iba’t ibang barangay.

Dagdag pa nya na dapat maayos ang pagkolekta ng mga basura lalo na sa mga island barangay tulad ng Carael, Calmay at Salapingao. Sa ngayon ay plano nang local government ng Dagupan City na magbigay ng mga motor banka na maaaring magamit sa pagkolekta ng mga basura.


Tinatayang nasa animnapung dump trucks at trikes mula sa mga iba’t ibang barangay ang nagtatambak ng halo-halong basura sa nasabing dumpsite.

Nakiusap ito na sanay maayos na itapon ang mga basura ng bawat kabahayan upang maibsan ang matagal ng problema na basura ng lungsod.

Facebook Comments