DUMULOG | Electric Company na binigyan ng prangkisa ng kongreso, umapela sa Kamara

Manila, Philippines – Dumulog ang negosyanteng si Enrique Razon sa Kamara matapos ang reklamo ng ilang mga kongresista sa hindi na-renew na prangkisa ng Panay Electric Company.

Dinepensahan ni Razon sa Kamara ang MORE Electric and Power Corp. na siyang ginawaran ng Kongreso ng franchise bilang bagong magsusupply ng kuryente sa Iloilo City.

Aniya, hindi talaga dapat na ihambing ang MORE sa PECO dahil ang kanyang kumpanya ay may malinis na track record sa pagkakaroon ng start-up at large scale projects hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo.


Ayon kay Razon, ang hindi magandang performance ng PECO ang naging susi kung bakit hindi na pumayag ang Kongreso na ma-renew ang kanilang prangkisa na nag-operate na ng 95 years.

Umabot na rin sa 1,800 reklamo laban dito kabilang ang poor services, overcharging, maling meter readings, mataas na electricity rate, mahinang customer service at madalas na brownout.

Facebook Comments