DUMULOG | Hakbang ni Trillanes na kwestyunin ang pagbawi ng kanyang amnestiya, tama lang – Sec. Guevarra

145

Manila, Philippines – Mabuting hakbang ang ginawa ni Senator Antonio Trillanes IV na pagdulog sa Korte Suprema para kwestyunin ang pagpapawalang bisa sa kaniyang amnesty.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, mas makakabuti para kay Trillanes na ipasakamay na lang sa korte ang isyu kaysa sa kung ano-ano ang binibitawan nitong pahayag.

Kasabay nito, itinanggi ni Guevarra ang pahayag ni Trillanes na patungo na sa revolutionary government ang nangyayari ngayon sa bansa.

Facebook Comments