DUMULOG SA KORTE | Faeldon, humiling sa Korte Suprema na ideklarang iligal ang pagkaka-detain sa kanya sa Senado

Manila, Philippines – Dumulog na sa Korte Suprema si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Ito ay para kuwestyunin ang pagkaka-detain sa kanya ng Senado matapos ma-cite for contempt dahil sa pagtangging sagutin ang mga tanong ng mga mambabatas kaunay ng P6.4-Billion shabu shipment mula sa China.

Sa inihaing petisyon ng abogado ni Faeldon na si Atty. Jose Diño, hiniling nito sa Supreme Court na ideklarang iligal ang utos ng Senate Blue Ribbon Committee na makulong siya sa Senado.


Hiniling din ni Faeldon sa Korte Suprema na ipag-utos ang agarang pagpapalaya sa kanya o mag-isyu ng Temporary Restraining Order o TRO.

Kabilang sa respondents sa petisyon ni Faeldon sina Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon at Senate Sergeant-at-Arms Head Jose Balajadia Jr.

Iginiit ni Faeldon na nilabag ng mga respondents ang kanyang karapatan nang pagkaitan siya ng due process matapos mag-isyu ang Blue Ribbon Committee arrest order laban sa kanya noong September 7, 2017.

Facebook Comments