Duplicate account ng PNP sa social media, pinaiimbestigahan

Sa opisyal na pahayag ng Philippine National Police (PNP) kinlaro nito na ang duplicate na social media accout na gumagamit din ng pangalang “Philippine National Police” ay hindi sa PNP at hindi konektado sa nasabing ahensya.

Dahil dito, nakikipagtulungan na ang PNP sa Anti-Cybercrime Group (ACG) para tingnan ang nasabing pangyayari.

Layon ng nasabing pakikipagtulungan sa ACG na magawan ng karampatang aksyon kontra sa gumagamit ng pangalan ng ahensya at ang nasa likod ng nasabing fake account.

Nagpaalala naman ng PNP sa publiko na mag-ingat sa mga pinafollow at shinishare na mga post na nagsasabing sila ay parte ng ahensya.

Dagdag pa nito, nagbigay muli ng paalala ang ahensya sa publiko na icheck ang mga account sa social media kung ito ay verified at puntahan lamang ang mga opisyal at lehitimong accounts ng pamahalaan para sa tamang mga impormasyon.

Facebook Comments