Duque at Galvez, magpapabakuna bukas gamit ang Sinovac vaccine!

Nakatakdang magpabakuna bukas, March 1, sina Heath Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. gamit ang Chinese-made vaccine na Sinovac.

Ito ang kinumpirma ni Senador Christopher “Bong” Go kasabay ng inaabangang pagdating ng 600,000 doses ng Sinovac vaccine mamayang hapon.

Ayon kay Go, isasagawa ang pagbabakuna kay Galvez sa Philippine General Hospital habang sa East Avenue Medical Center o sa Lung Center of the Philippines naman magpapabakuna si Duque.


Aniya, layon ng pagpapabakuna nila Galvez at Duque na ipakita sa publiko na dapat pagkatiwalaan ang gobyerno.

Samantala, nakatakda rin silang magpabakuna ni Pangulong Rodrigo Duterte pero depende sa magiging abiso ng doktor kung anong bakuna ang ituturok sa pangulo dahil ikinokonsidera rin ang edad nito.

Bagama’t hindi inirerekomenda para sa mga healthcare workers, matatandaang sinabi ng Food and Drug Administration (FDA) na maaaring gamitin ang Sinovac sa mga “clinically healthy individuals” na edad 18 hanggang 59.

Si Pangulong Duterte ay mag-76 na taong gulang na sa Marso.

Facebook Comments