Nilinaw ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na walang inikasyon na magkakaroon ng lockdown magkatapos ng 2022 elections dahil sa muling pagtaas ng COVID-19 cases.
Ayon kay Duque, kung manyayari man, granular lockdowns lamang ang ipapatupad at hindi ang malawakang lockdown.
Nauna nang nagbabala ang DOH sa posibleng COVID-19 cases surge sa kalagitnaan ng Mayo kung saan makakapagtala ang Metro Manila ng 500,000 na aktibong kaso kapag binaliwala ang minimum public health standards (MPHS).
Ang 50 percent na hindi pagsunod sa MPHS sa Metro Manila ay maaaring magresulta ng 25,000 hanggang 60,000 na bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa kalagitnaan ng Mayo.
Habang ang 20 percent na hindi pagsunod sa MPHS sa buong bansa ay maaaring magresulta ng 34,788 na aktibong kaso ng COVID-19 at ang 30 percent na pagsuway ay posibleng makapagta ng 300,000 na kaso o mas mataas pa sa kaparehong panahon.
Sinabi naman ng OCTA Research Group na hindi nila inirerekomenda ang pagpapatupad ng lockdowns sa kabila ng kanilang projection na 50,000 hanggang 100,000 na aktibong kaso ng COVID.