Pinaghahanda ni Department of Health (DOH) USec. Francisco Duque III ang publiko sa “worst-case scenario” kasunod ng pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19.
Ayon kay Duque, unti-unti nang dumarami ang mga pasyente sa mga ospital kung kaya’t kailangang mapigilan ang pagtaas ng mga kaso upang hindi mapuno ang mga pagamutan.
Aminado naman ang kalihim na posibleng may community transmission na ng Omicron variant sa bansa ngunit Delta variant pa rin aniya ang pinakalaganap na variant.
Gayunpaman ay unti-unti nang tumataas ang Omicron variant na naitatala sa genome sequencing.
Sa ngayon, nasa labing apat na ang natukoy na Omicron variant sa bansa kung saan tatlo ang local cases.
Samantala, inihayag naman ng DOH na 93% sa mga nasawi sa COVID-19 ay mga hindi pa bakunado.