Iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III na walang basehan ang pag-aaral ng think tank na magiging huli ang Pilipinas sa pagkamit ng target na herd immunity sa susunod na taon.
Ito ay matapos lumabas sa report ng UK think tank na Pantheon Macroeconomics na karamihan sa mga bansa sa Asya ay makakamit ang herd immunity sa 2023 maliban sa Pilipinas at Vietnam dahil sa mabagal umanong vaccine rollout.
Ayon kay Duque, mukhang kailangang muling pag-aralan ng think tank ang kanilang kalkulasyon.
Giit ni Duque, tiwala siyang maabot ng Pilipinas ang target nitong 70 million Filipinos na mabakunahan sa loob ng 140 days, oras na maabot ang 500,000 doses na maituturok kada araw.
Facebook Comments