Duque, tiniyak na maipagpapatuloy kalaunan ang COVID-19 booster vaccination sa mga non-immunocompromised na edad 12-17

Tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III sa publiko na magpapatuloy din kalaunan ang COVID-19 booster vaccination sa mga kabataang edad 12 hanggang 17.

Ito ay makaraang ipagpaliban ng pamahalaan ang pagbibigay ng first booster shot sa mga non-immunicompromised na edad 12 to 17 dahil sa “glitches” sa Health Technology Assessment Council (HTAC).

Nais kasi ng HTAC na maikasa lamang ang booster vaccination sa nasabing age group sa mga lugar na mayroon nang 40% vaccinational coverage para sa kanilang mga senior citizen.


Ayon kay Duque, nagbigay linaw na ukol dito ang HTAC at ngayong araw ay aayusin na ang anumang kinakailangang adjustment sa implementing guidelines para sa booster vaccination ng mga batang edad 12 to 17 na hindi kasali sa immunocompromised population.

Samantala, hiniling na rin ng DOH sa Food and Drug Administration (FDA) na pag-aralan ang posibleng pagpapalawig ng pagtuturok ng second booster dose sa mga edad 50 to 59.

Facebook Comments