Durant at Irving, inalok ng sumatutal na $305 milyon upang lumipat sa Brooklyn Nets

407

Inalok si Kevin Durant ng $164 milyon upang lumipat sa Brooklyn Nets ayon sa The Boardroom, ang kaniyang company-owned sports-business network.

Ayon sa The Boardroom, ang kontrata ng $164 milyon ay hanggang apat na taon. Ngunit hindi naman siya makakapaglaro para sa Nets sa darating na 2019-2020 season dahil nagkaroon ito ng uptured Achilles tendon noong Game Five NBA Finals laban sa Toronto Raptors.


Hindi naman inalok ng Warriors si Durant ng $221 milyon upang mapanatili pa ito ng limang taon.

Samantala, iiwan din ni Kyrie Irving ang Boston Celtics upang kumipat din sa Nets na may kontratang $141 milyon.

Hindi pa nila maaaring pirmahan ang kontrata hanggang Sabado sa ilalim ng NBA free agency rules.

Facebook Comments

From Advertisers