Durant, pumalag sa fan na nagsabing mas magaling sa kanya si Lebron

Sports – Isang maiksi ngunit diretsang sagot ang hinirit ni reigning NBA finals at one time league MVP Kevin Durant sa isang fan na nagsabing mas magaling sin Lebron James kay Durant.

Sa kaniyang comment sa YouTube, “Nah” ang simpleng sagot ni Durant sa Cleveland Cavaliers na fan.

Dahil dito naging viral at instant hit sa social media ang sagot ni Durant.


Kung ikukumpara ang dalawa may apat na League MVP award si James sa isa ni Durant. May tatlong NBA title si Lebron sa isa ni Durant. May 1-1 record ang dalawa sa head-to-head record nila sa NBA finals.

Pero posibleng masapawan ni KD si King James sa pagbubukas ng bagong season ng NBA dahil intact at lalong lumakas ang Golden State Warriors sa off-season.

Facebook Comments