MANILA – Tiniyak ni Presidential Peace Adviser Secretary Jesus Dureza na agad aasikasuhin ng gobyerno ang pag-papauwi sa Norway kay Kjartan Sekkingstad matapos itong makalaya mula sa mga kamay ng Abu Sayyaf.Aniya, pagkatapos ng debriefing ay sasailalim pa sa ilang proseso si Sekkingstad bago ito tuluyang makabalik sa kanyang bansa matapos ang halos isang taong pagkakabihag.Pasado ala-1:00 kaninang madaling araw nang lumapag sa NAIA si Sekkingstad mula Davao.Dumiretso muna ito ng embahada para makasama ang mga kaibigan niyang norwegian.Samantala, nanawagan din si Dureza na huwag ipakalat ang balitang nagbigay ng P30 million na ransom ang gobyerno para palayain ng ASG ang kanilang bihag.Aniya, “unfair” ito para sa mga sundalo at iba pang mga nasa likod sa pagpapalaya kay Sekkingstad.
Dureza, Nanawagang Huwag Ipakalat Ang Balitang Nagbayad Ng Ransom Ang Gobyerno Para Palayain Si Kjartan Sekkingstad
Facebook Comments