Durian production, palalawakin ng DA kasunod ng USD 2-B fruit export deal ng Pilipinas at China

Naghahanda na ang Department of Agriculture (DA) para sa pagpapalawak ng produksyon ng durian at ibang mga high value crops kasunod ng naging pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos sa China kung saan sinelyuhan ang USD2 billion fruit export deal.

Isa sa napag-usapan ay ang intensyon ng China na isama ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na pagkukunan nito ng durian.

Sa katunayan, ayon sa DA, naglaan ang China ng inisyal na USD260 million para sa importasyon nito.


Inatasan na ni Undersecretary Domingo Panganiban at Assistant Secretary for Operations Arnel de Mesa ang Bureau of Plant Industry na pag-aralan ang mga hakbang sa pagpaparami ng durian sa bansa.

Facebook Comments