Amerika – Bumuwelta ngayon ang Oscar-winning actor na si Dustin Hoffman sa mga alegasyon ng sexual harassment umano sa isang teenage intern sa isang film set mahigit 30 taon na ang nakaraan.
Aniya, wala daw sa kanyang personalidad ang napabalitang pangha-harass kay Anna Graham Hunter.
Iginiit nito na mayroon siyang mataas na respeto sa mga kababaihan.
Base sa alegasyon ni Hunter, madalas daw hinahawakan ni Hoffman ang kaniyang likuran (puwet) at palagi daw itong nagpapahayag ng mga sex jokes nang nagtrabaho ito bilang Production assistant noong 17 taong gulang pa lamang siya.
Sa report naman ng Los Angeles times, anim na babae ang nang-akusa rin ng harassment laban sa movie director na si Brett Ratner.
Maliban sa dalawa, lumabas din ang alegasyon ng sexual harassment at assault sa mga sikat na hollywood stars kabilang na ang producer na si Harvey Weinstein at actor na si Kevin Spacey.