Imbes na itambak at hayaang mabulok ang mga basyong galon, isang kawani ng Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO) sa Bayambang ang nakaisip ng malikhaing paraan upang muling magamit ang mga ito.
Si Bobby Manuel, isang aktibong miyembro ng ESWMO ay gumawa ng mga dustpan gamit ang dating mga galon na itinuturing ng basura. Kanya nitong ginupit at inayos ang mga galon upang magsilbing kagamitan sa paglilinis.
Umani ng papuri ang inisyatibong ito mula sa mga residente at sa lokal na pamahalaan dahil hindi lamang ito mas matibay at praktikal, kundi nakatulong din ito sa pagbawas ng basura sa komunidad.
Ang simpleng inisyatibong ito ni idol Bobby naway magsilbi ring inspirasyon sa iba upang higit pang pahalagahan ang pag-rerecycle at wastong pamamahala ng solid waste lalo’t sa panahon ng kalamidad ito ang ating pangunahing suliranin.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









