Duter-Seven bloc, may ibang ilalaban sa pagka-Senate president sakaling hindi tumakbo si SP Escudero sa 20th Congress

Nagbigay ng ikalawang option ang Duter-Seven bloc sa Senado sakaling hindi tumakbong lider ng 20th Congress si Senate President Chiz Escudero.

Ayon kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa, mayroon silang contingency o susunod na plano sakaling ayaw ni Escudero na maging Senate president at ito ay ang pumili ng ino-nominate mula sa kanilang bloke.

Sinabi ni Dela Rosa na ilan sa kanilang napipisil na isabak sa Senate presidency kung sakali ay sina Senators Imee Marcos at Bong Go basta’t mayroong tiyak na 13 boto ito.

Dagdag pa ng mambabatas, kahit sino naman sa Duter-Seven ay pupwedeng maging Senate president.

Pero sa ngayon, ang prevailing contenders aniya ay sina Senate President Chiz Escudero at Senator Tito Sotto at sa dalawang ito, ang tiyak na susuportahan ng buong Duter-Seven ay si Escudero.

Facebook Comments