‘Duter-syokoy’ effigy ni Pangulong Duterte, ipaparada ng mga militanteng grupo bukas!

Ipaparada ng iba’t ibang militanteng grupo sa araw ng SONA ang effigy ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinawag nilang “Duter-syokoy, halimaw ng West Philippine Sea”.

Ito ay bilang pagpapakita ng grupo ng pagtutol sa umano’y Extra Judicial Killing, Human Rights Violation, kontraktwalisasyon, mababang sahod, unemployment at posisyon ng pangulo sa isyu ng West Philippine Sea dispute.

Ayon kay Rene Magtubo ng Church Labor Conference-Partido Manggagawa, layon ng kanilang pagkilos na hikayatin ang gobyerno na tuparin ang mga pangako sa mga manggagawa lalo na sa usapin ng endo.


Para naman kay Elmer labog ng kilusang Mayo uno – lumalala at wala na talagang aasahan ang mga manggagawa kay Pangulong Duterte.

Isang 20-foot bamboo-made fish naman ang ipaparada ng grupong kadamay bilang simbolo ng bigong pagtugon ng pangulo sa maritime issues.

Tinawag namang “kontrabida” at “halimaw ng karagatan” ni Bayan Muna Secretary General Renato Reyes si Pangulong Duterte.

Isasagawa ng mga grupo na tinawag ang kanilang sarili bilang United Nations SONA 2019 ang kilos protesta sa harapan ng St. Peter’s Church sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City mula alas tres hanggang alas sais ng hapon.

Facebook Comments