Duterte admin, nakakuha ng “excellent” satisfaction rating – SWS

Nakakuha ng bagong record ang Duterte administration ng mataas na net satisfaction rating.

Base sa first quarter 2019 survey ng Social Weather Stations (SWS), 81% ng mga Pilipino ang nagsabing satisfied sila sa pamamalakad ng Duterte administration, habang 9% ang hindi.

Katumbas nito ang +72 net satisfaction rating o “excellent”, mataas kumpara sa +66 o very good noong December 2018.


Ang survey ay binigyan ng rate ang Duterte administration sa 11 performance subjects o tinatawag na governance report card.

Nakakuha ng excellent rating (+72) ang Duterte administration sa pagtulong sa mga mahihirap, very good rating (+58) sa reconstruction ng Marawi at paglaban sa terorismo (+58).

“Good” naman ang ibinigay ng respondents sa Duterte administration sa pagsupil sa kriminalidad, pakikipag-ayos sa mga rebeldeng komunista (+45), pagkikipagkasundo sa Muslim rebels (+44) at paglaban sa katiwalian (+41).

Maliban dito, good ratings din ang nakuha ng administrasyon sa foreign relations (+41), pagtanggol sa soberenya ng Pilipinas sa West Philippines Sea (+40) at pagtiyak na walang pamilya ang makararanas ng gutom (+37).

Nakakuha naman ng moderate rating o +22 sa pagresolba sa tumataas na inflation.

Ginawa ang survey mula March 28 hanggang 31 sa taong ito sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 respondents.

Facebook Comments