Duterte Administration, hindi dapat sisihin sa guilty verdict ng korte kay Maria Ressa kaugnay sa kasong cyber libel

Para kay Senator Ronald Bato dela Rosa, foul na sisihin ang administrasyong Duterte sa hatol na guilty ng korte kay Rappler CEO and Executive Editor Maria Ressa at kay dating Rappler researcher/writer Reynaldo Santos dahil sa kasong cyber libel.

Giit ni dela Rosa sa mga kritiko ng administrasyon, ang hatol kina Ressa at Santos ay independent decision ng korte na base sa reklamo ng isang pribadong indibidwal.

Diin pa ni dela Rosa, ang aksyon ng korte laban kay Ressa ay hindi maituturing na pag-atake sa press freedom.


Paliwanag naman ni Senate President Tito Sotto III, ang ginagawang mga hatol ng korte ay base sa mga ebidensya at batas kung saan maaari namang umapela si Ressa sa higher courts.

Ipinaliwanag naman ni Senator Panfilo Lacson na ang umiiral na due process sa ating judicial system ay hindi nagtatapos sa hatol na guilty ng isang Regional Trial Court.

Ayon kay Lacson, ginagarantiya ng mga umiiral na batas sa ating bansa ang karapatan nina Ressa at Santos na umapela sa appellate court at Supreme Court kung kinakailangan.

Facebook Comments