Duterte administration, nabigong protektahan ang karapatan ng mga biktima ng war on drugs – CHR

Nabigo ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na protektahan ang karapatang pantao ng mga biktima ng war on drugs.

Ito ang inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) sa kanilang 48 pahinang report kung saan hinikayat pa rin umano ng administrasyon ang “culture of impunity”.

Sa report din ng CHR, nakasaad na intensiyon talaga ng mga pulis na patayin ang mga nahuhuli nila sa drug operations batay sa 88 na kaso na kanilang sinilip na may 1,139 na biktima kung saan 920 dito ang nasawi.


Ayon pa sa CHR, bagama’t sinasabi ng mga awtoridad na ‘nanlaban’ ang mga biktima ay taliwas naman ito sa mga pahayag ng mga testigo at iba pang kwento ng mga pulis.

Kasunod nito, dumepensa naman ang Palasyo ng Malacañang sa report at sinabing hindi na bago ang isyu at dati na nila itong natugunan.

Facebook Comments