Manila, Philippines – Ikinatuwa ni Committee on PublicServices Chairperson Senator Grace Poe ang plano ng Duterte administration napagtatayo ng underground mass transportation system.
Ayon kay Senator Poe, maliban sa tugon ito sa matindingproblema sa trapiko ay siguradongmakakatulong ito sa pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa.
Gayunpaman, pinag iingat na mabuti ng senadora angpamahalaan para matiyak na hindi maanumalya ang papasukin nitong kontrata sajapan para sa itatayong subway na inaasahang aabot sa halagang P227-billionpesos.
Ayon kay Senator Poe dapat tiyaking ng pamahalaan namaayos ang reputasyon ng mga kompanya na kukunin nito para sa operasyon atmaintenance ng nasabing subway.
Tiniyak pa ni Sen. Poe na masusing magbabantay angkanyang komite at hindi mangingiming magsalita at umaksyon sa oras may kakitasilang iregularidad sa proseso ng pagtatayo ng nasabing proyekto.
Maliban dito ay iginiit din ni Senator Poe sa gobyerno natiyaking aakma ang itatayong subway sa disensyon ng ating lansangan at dapat aykonektado ito sa mga istasyon ng ating public transportation ngayon para hindimahirapan ang publiko.
Binigyang diin pa ni Senator na Poe na mahalaga na angitatayong subway ay matatag laban sa mga kalamidad tulad ng lindol at malalakasna pagulan na palagiang nagdudulot ng mga pagbaha.
Duterte administration, pinag-iingat ni Sen. Poe sa papasuking kontrata kaugnay sa itatayong Manila Subway
Facebook Comments