Duterte aminadong hindi nakilala si John Lloyd Cruz

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya nakilala ang aktor na si John Lloyd Cruz dahil malaki ang naging pagbabago ng kanyang hitsura. Sa mga recent pictures ng premyadong aktor, mapapansing mahaba na ang buhok nito at nagpahaba ng balbas.

Dumalo si John Lloyd sa inihandang pagtitipon ng Palasyo na pinangunahan ni Duterte at common law-wife Honeylet Avanceña.

Sinabi niya ito sa kanyang talumpati sa Davao City nitong nakaraang Biyernes.

“Nakita ko siya sa party sa Malacañang. Hindi mo na siya makilala. Nagpatubo ng bigote’t balbas, nagpahaba ng buhok.”, pahayag ni Duterte sa wikang bisaya.

Kasama din ni Cruz ang girlfriend na si Ellen Adarna na dating kasintahan ni Sebastian “Baste” Duterte.

Magagandang katangian ang sinambit ni Digong kay Adarna.

“Yung totoo, walang biro, isa siya sa mga nakita ko na magandang mestisa na Pilipina. Maliit na babae, pero maganda ang katawan.”

Meron din selfie si PCOO Secretary Martin Andanar sa Kapamilya actor nung araw ng thanksgiving dinner.

 

View this post on Instagram

 

Ang muling pagtatagpo namin ni JL kagabi. #mediaman

A post shared by Martin Marfori Andanar (@martinmandanar) on

Muling napanood si John Lloyd Cruz sa isang shawarma commercial.

 

Facebook Comments