Duterte At Robredo – Naiproklama Na Bilang Nanalong Pangulo At Pangalawang Pangulo Ng Bansa

10

MANILA – Pormal nang naiproklama sina President Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.Sinimulan ito ng Joint Canvassing Committee kaugnay sa ginawa nilang bilangan ng boto sa pagkapangulo at ikalawang pangulo.Dito ay idinetalye ni Sen. Koko Pimentel, Head ng Senate Canvassing Committee, ang report ng tatlong araw na canvassing.Agad na inaprubahan ng Joint Session ng Kongreso sa pamamagitan ni House Speaker Feliciano Belmonte ang Committee Report at resolution ng dalawang kapulungan.Kasabay nito ay nagpa-abot naman ng pagbati ang liderato ng Senado at Kamara kay Duterte na hindi sumipot sa kanyang proklamasyon.Pero pumunta naman ang ilang kinatawan ni Duterte na sina Atty. Vitaliano Aguirre at Atty. Salvador Panelo.

Facebook Comments